Questions


August 2022 1 8 Report
A. Panuto: Basahin nang pahapyaw ang talata at pagkatapos, punan ng mahalagang impormasyon ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.


Malaking suliranin ang dumating sa ating bansa maging sa ibang bansa, ito ang pandemyang COVID-19. Lahat ay natatakot dahil ito ay may malaking banta sa ating buhay. Matanda man o bata, ay maaaring kapitan nitong virus. Sa ngayon, hinihintay pa ng karamihan ang bakuna laban sa COVID-19. Ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at face shield ay mga paraan upang maiwasan na mahawaan tayo ng virus. Maliban dito, kailangang palakasin natin ang ating pangangatawan nang hindi tayo madaling magkasakit. Isa na rito ang pagtulog sa tamang oras. Mahalaga na makatulog ng walong (8) oras sa bawat araw dahil ito ay nagpapasigla ng ating katawan at pag-lisip. Kung laging nagpupuyat tayo'y manghihina. Hindi na makagagawa nang maayos at maaaring bumaba ang ating resistensya. Kumain nang tama at masusustansiyang pagkain lalo na ang pagkaing mayaman sa bitamina C dahil ito ay nagpapalakas ng ating resistensya. Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito upang ang pangangatawan natin ay lumakas at sumigla. Ang sabi nga, ang taong may masigla at malusog na pangangatawan ay may mataas na kumpiyansa sa sarili. Huwag kaligtaang uminom nang sapat na tubig araw-araw. Hindi natuloy ang bakasyon ng pamilya Cervantes dahil wala silang masasakyan. Kaya minabuti na lamang nila na manatili sa kanilang bahay.

Mga tanong:
1. Sinong pamilya ang may balak magbakasyon sa nayon?

2. Ano ang kanilang inihanda para sa dalawang linggong bakasyon?

3. Natuloy ba ng kanilang bakasyon? Bakit?

4. Anong mga gawain ang nabanggit sa kuwento ang ipinagbawal ng ating pamahalaan?

5. Bakit ayaw ng pamahalaan na magbiyahe sa ibang lugar?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.