Questions


October 2022 2 3 Report
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nakiusap sa iyo ang iyong kaibigan na huwag ipaalam sa kanyang ina na bagsak siya sa inyong ginawang pasulit. Kapag sinabi mo sa kanyang ina ay magagalit siya sa iyo. A. Hindi sasabihin sa kanyang ina ang totoo. B. Kahit magalit siya sa iyo ay sasabihin mo pa rin sa kanyang ina upang matulungan siya sa mga susunod pang mga pasulit. C. Hihingan siya ng pera upang hindi mo sasabihin ang totoo sa kanyang ina. D. Mas mahalaga sa iyo ang inyong pagkakaibigan kaya manahimik ka lamang

. 2. Nalaman mong iniiwan ang mga maliliit na bata sa kanilang bahay ng kanilang mga magulang dahil kailangan nilang magtrabaho para kumita ng pera. Walang matandang tumitingin sa kanila. Ano ang gagawin mo? A. Aalukin ang mga magulang nila na doon sa inyong bahay iiwan ang mga bata upang walang masamang mangyari sa kanila. B. Pagsabihan ang kanilang magulang na masama ang kanilang ginagawa. C. Isumbong sa pulis ang kanilang ginagawa. D. Hayaan lamang sila sa kanilang ginagawa.

3. Sa tuwing namamalengke kayo ay madalas mong nakikita ang isang matanda sa tabi na nagpapalimos. Ano ang gagawin mo? A. Huwag titingnan ang matanda. B. Hindi dadaan kung saan naroon ang matanda. C. Makiusap kay nanay na ipagbigay alam sa kinauukulan upang mabigyan siya ng tulong D. Hindi sasama sa pamamalengke upang hindi makita ang matanda.

4. Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian sa nagdaang bagyo sa inyong lugar. Isa kayo sa naging biktima ngunit kaunti lang ang pinsala ng bagyo sa inyong pamilya. A. Ibahagi sa ibang mga biktima kung anong mayroon kayo. B. Itago kung anong mayroon kayo para handa ka sa susunod na bagyo. C. Pagsabihan ang ibang biktima na lumapit sa inyong mayor upang humingi ng tulong. D. Hayaan silang lutasin ang kanilang problema.

5. Nanawagan ang inyong kapitan na kung maari ay magbigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyo sa Samar. Tatanggapin kahit ano gaya ng damit, pagkain at pera. A. Magpaalam sa magulang na ibibigay mo ang iyong naipon sa alkansiya. B. Pumili ng mga hindi na gagamiting damit at ibigay ito bilang donasyon. C. Ipagbigay-alam sa iyong kamag-anak na nasa ibang bansa baka may maitulong sila D. Lahat ng nabanggit.

6. Tinutukso si Miya ng mga bata sa kanila dahil sa luma niyang kasuotan. Ano ang iyong gagawin? A. Sasali ako sa panunukso kay Miya. B. Sasabihan ko ang ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa. C. Mananahimik lang at panunuorin ang panunukso ng mga bata.

7. Nasunugan ang iyong kaklase at halos wala silang naisalbang gamit, Anong tulong ang maaari mong gawin? A. Magbigay ng damit at pagkain. B. Balewalain ang nangyari sa kanila. C. Hayaang iba ang tumulong sa kanila.




8. Mahiyaing bata si Liezel, hindi siya masyadong nakikipag-usap sa iba, nais mo siyang isali sa inyong paglalaro, ano ang iyong gagawin? A. Pilitin mo siyang makipaglaro sa inyo. B. Tatakutin siya upang makipaglaro sa inyo. C. Kumbinsihin siya na nais mong makipaglaro at makipagkaibigan.

9. Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan, sa paglalakad mo ay may nakasabayan kang babaeng nagmamadali at hindi niya napansin na nalaglag ang kanyang wallet. A. Hindi sasabihin at pasekretong kukunin ang wallet. B. Pupulutin ang wallet at tatawagin ang babae upang maibigay. C. Hindi papansinin ang nangyari at patuloy na maglalakad papuntang tindahan .

10. May ipinagagawang proyekto sa sining ang inyong guro. Tinawagan ka ng iyong kaklase at gusto niya ay magpagawa sa iyo ngunit nais mong tumanggi dahil bilin ng inyong guro na kayo ang gagawa. Ano ang iyong sasabihin sa kanya na hindi masasaktan ang kanyang damdamin? A. Pasensya ka na, marami akong ginagawa. B. Pasensya ka na, hindi kita pwedeng ipaggawa kung gusto mo tutulungan na lang kita. C. Pasensya ka na, baka mapagalitan tayo kapag nalaman ng ating guro na ipinaggawa kita ng ating proyekto.



pls paki sagot ng maayos brainliest pag tama''''tysm'' report pag mali'(*^-^*)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.