A. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay nagpapakita o hindi nagpapakita ng paggalang. Isulat sa patlang ang NP kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at ilagay ang HNP naman kung hindi. 1. Pinagtatawanan ni Abel ang nakasalubong niyang pilay habang papasok siya sa paaralan. 2. Madalas tulungan ni Sebastian sa pagtawid ng kalye ang sinumang matandang nakakasabay niya sa pagtawid. 3. Naniniwala si Myra na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba nang hindi nagpapaalam. 4. Sinira ni Jayson ang ilang gamit na nakita niyang nakadisplay sa museong nadaanan. 5. Malugod na pinapanood ng magkapatid na Alburo ang palabas o kultura ng ibang bansa. 6. Ipinakita ni Michael ang mga napanalunan niyang medalya sa kanyang mga kaibigan at sinabi niya na siya ay magaling at walang nakalalamang sa kanya. 7. Sa Singapore, bukod sa Singaporean marami rin dito ang naninirahang Indian, Malay, Tsino at Pilipino. Mayroong silang sari- sariling lalagyan ng pinagkainan sa malakihan at pampublikong kainan katulad ng kantina sa paaralan. 8. Ang mag-asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napagdesisyunan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.