A. Panuto: Basahin ang teksto at magtala ng argumento nakapaloob dito.

Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ang mga guro at kawani.

1.
2.
3.
4.
5.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.