Questions


August 2022 1 0 Report
A. Panuto: Basahin ang mga linya mula sa binasang epiko at ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.


1.Ano ang sanhi sa maligayang pamumuhay ng mga tao sa pulo ng Mindanaw?
A.dahil sa malawak na katapagan ng pulo
B.dahil sa kasaganahan ng kanilang likas yaman
C.dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan doon
D.dahil sa mga magagandang tanawin sa kanilang lugar


2.Ano ang naging bunga ng lagim na sinapit ng pulong Mindanaw sa mga bayan at kaharian?
A.naging masaya ang mga mamamayan
B.naging mayaman ang mga tao sa lugar
C.naging mahirap ang pamumuhay ng mga tao roon
D.naging malungkot ang mga bayan at mga kaharian sa pulo


3.Ano ang naging sanhi ng paghingi ng tulong ni Haring Indarapatra kay Prinsipe Sulayman?
A.Nalungkot siya sa mga taong nagugutom.
B.Nasaksihan niya ang paghihirap ng mga tao.
C.Naawa siya sa mga taong ginugulo ng mga halimaw.
D.Nawalan siya ng pag-asa para sa mga tao sa pulo ng Mindanaw.


4.Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng tinagang pakpak ng Ibon kay Prinsipe Sulayman?
A.Natalo ni Sulayman ang malaking ibon.
B.Pumanaw si Sulayman dahil sa bigat ng pakpak.
C.Sumuko si Sulayman sa pakikipaglaban sa halimaw.
D.Natakot si Sulayman at hindi na ipinagpatuloy ang kanyang misyon.


5.Ano ang naging sanhi ng muling pagkabuhay ni Prinsipe Sulayman?
A.dahil sa mahiwagang tubig na ibinuhos sa kanya
B.dahil sa ritwal na isinagawa ni Haring Indarapatra
C.dahil sa pagdinig ni Bathala sa panalangin ng mga tao
D.dahil sa gamot na ipinainom sa kanya ni Haring Indarapatra

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.