Questions


December 2021 2 10 Report
A. Ipabasa mo sa kasama mo sa bahay ang anekdota tungkol sa batang si Dr.
Rizal at sagutin mo ang mga tanong sa ibaba nito. Isulat mo sa sagutang
papel ang iyong sagot.
Isang hapon sa ilalim ng puno, habang ang lahat ay namamahinga.
Lumapit si Pepe sa kaniyang ina na noon ay abala naman sa pagbuburda.
Sinabi niya sa kaniyang ina na nais na niyang matutunan ang abakada.
Kahit anong paliwanag ng kaniyang ina na siya ay bata pa upang pag-aralan
ito hindi tumigil ng batang si Pepe sa pagpupumilit na ito ay matutuhan.
Kaya’t walang nagawa ang kaniyang ina kundi ituro isa-isa ang pangalan at
tunog ng bawat letra. Makalipas ang dalawang oras, ang lahat ay namangha
dahil natutuhan at nakabisa na agad ni Pepe ang pangalan at tunog ng letra
sa abakada.
1. Sino ang bata sa teksto?
2. Ano ang nais niya?
3. Ano ang ginagawa ng kaniyang ina?
4. Bakit ayaw pa siyang turuan ng kaniyang ina?
5. Ano ang aral na natutuhan mo sa kwento?
Pagbaybay:
Ipadikta mo sa kasama mo sa bahay ang mga sumusunod na salita na
hango sa teksto at isulat mo ng wasto sa iyong sagutang papel.
1. nagbuburda
2. namamahinga
3. letra
4. pag-aralan
5. pagpupumilit
B. Basahin mo ang talaarawan at sagutin mo sa iyong sagutang papel ang mga
tanong sa ilalim nito.
Pebrero 2, Linggo
Maaga akong gumising, kaarawan ko kasi ngayun. Paglabas ko ng
silid-tulugan namin, wala si Nanay sa aming salas. Wala rin si Tatay sa
aming hardin. Wala si Kuya sa likod bahay. Hinahanap ko sila sa lahat ng
sulok ng aming bahay. Wala talaga sila. Iiyak na ako nang biglang may
kumulbit sa akin. Si bunso may dalang isang maliit na cake para sa akin
kasama sina Nanay, Tatay, at Kuya.
1. Anong okasyon ang binanggit sa teksto?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa teksto?
9
3. Bakit hindi niya nakita sa kanyang paggising ang kanyang Nanay, Tatay,
Kuya at bunsong kapatid?
Pagbaybay:
Ipadikta sa kasama mo sa bahay ang mga salitang hango sa teksto.
Isulat mo ito ng wasto.
1.cake
2. silid-tulugan
3. kumulbit
4. kaarawan
5. sulok



Pa help po sana :3

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.