A. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita

ng pakikisama sa kapwa at Mali kung hindi.

_____1. Inaaya si Jose ng kanyang mga kaibigan na mamasyal sa parke. Ayaw

niya sanang sumama ngunit naisip niyang baka magtampo ang mga

ito sa kanya, kaya’t pinagbigyan niya ang mga kaibigan.

_____2. Si Linda ay namamasukang kasambahay kina Mrs Cruz. Isa sa mga

anak nito ay sadyang masungit. Lagi nitong pinagagalitan si Linda

kaya’t panay ang pakiusap ni Mrs. Cruz kay Linda na pagpa-

sensiyahan ito.

_____3. Mahilig makipaglaro ng basketball si Cris sa kanyang mga kaibigan.

Pero lagi siyang nagagalit kapag tinatawagan siya ng foul ng referee.

_____4. Isa sa mga batas ngayong pandemiya ay ang pagsuot ng facemask

kung lalabas papuntang palengke o sa mall. Upang maipakita ang

pagsunod at pakikisama sa batas, si Mang Dino ay laging sumusunod

dito.

_____5. Laging sinisigawan ni Rita ang kanilang kasamabahay kapag nakaka-

basag ng mga bagay-bagay sa kanilang bahay.

_____6. Si Louie ay kinagigiliwan ng lahat dahil sa husay niyang makisama

Sa mga kaibigan at sa ibang tao.

_____7. Nakita ni Lita na nakaupo sa ilalim ng puno si Lisa. Lumapit siya kay

Lisa at nagsabing magpapatulong sa takdang aralin na ibinigay ng

kanilang guro. Bigla na lamang siyang sinigawan at iniwanan nito.

_____8. Si Gng. Librada ay isang guro. Kahit saan mang paaralan siya

magpunta para magbigay ng seminar, ay kilalang-kilala siya dahil sa

angking talino at husay sa pakikipag-usap.

_____9. Alam ni Job na ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan ng

pakikisama.

____10.Masayahing bata si Jhade. Matalino at mahusay manghikayat sa

kanyang mga kaibigan upang mag-aral silang mabuti. Siya ay laging

kinalulugdan.

____11. Darami ang iyong kaibigan kung mahusay kang makisama.

_____12. Kinagigiliwan ang batang mahusay makisama.

_____13. Mahusay kang makisama kung ipipilit mo ang pagsunod ng lahat sa

kagustuhan mo.

_____14. Ang pagsigaw sa kapwa ay pagpapakita ng maayos na pakikisama.

_____15. Nakatutulong ang mabuting pakikisama sa maayos na pakikitungo sa

iba.

Thanks ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.