Questions


October 2022 1 2 Report
A. ACTIVITY 1.
Basahin at unawaing mabuti ang talata. Bilugan ang paksa sa bawat talata.net
OUT
1. Maraming paraan ng paglilibang. Mayroong parsa ating isipan, tulad ng pagbabasa, pagbubugtungan,
pag-iiskrabol, o paglalaro ng chess. Mayroon ding para sa pagpapalakas ng katawan tulad ng
basketbol, balobol,piko, luksong lubid, tenis, sipa at iba pa. May libangan din makabubuti sa
damdamin tulad ng panonoon ng sine o t.v., pakikinig ng radio, pakikinig ng mga tugtugin at
pakikipagsulatan.
dowy
an
2. Ang paru-paro ay maraming pinagdaanang yugto sa buhay. Nagsisimula ito sa itlog na kapag napisa
ay nagiging uod. Matagal itong natutulog at nagpapatubo ng pakpak. Paglabas ng uod ay isa
ng paru-paro.
3. Mahalaga ang halaman. Ito ang nagbibigay ng oxygen na kailangan ng tao sa paghinga. Sa halaman
din kumukuha ng pagkain ang mga tao, at hayop. Ang mga punungkahoy tulad ng mangga,
lansones, tsiko at abokado ay nagbibigay sa atin ng prutas. Ang gulay, mais ,kamote at palay ay
4. Napatunayan ng siyensiya na ang karne ay naglalaman ng maraming baktirya. Nagbubunga ng tipus
at tisis na nabubuhay at dumarami. Ngunit ito'y nasisira ng katas ng kalamansi ayon sa siyensiya.
Ang katotohananng ito'y nagpapatunay ng higit kaysa iniisip ng maraming tao. Tunay na mabisang
panggamot ang katas ng kalamansi galing din sa halaman sanoon
5. Ang alak ay lasong sumisia sa katawan ng tao. Ito ay nagdudulot ng malaking suliranin sa pamilya.
Kung mahilig kang uminom, magkakasakit ka sa atay o baga. Ang alak ay dapat iwasan ng lahat.
6. Maraming gawain na ginagawa si Inay sa maghapon. Mula sa madaling aaw hanggang sa gabi'y
walang sinasayang na oras. Siya ang naghahanda at nagbibigay ng lahat ng pangangailangan
ng pamilya. Tunay na ilaw ng tahanan si Inay. Siya pa rin ang nag-aasikaso kay Itay.
7. Isa o dalawang anak ay sapat na sa isang mag-anak. Madudulutan at magkakaroon ng magandang
kinabukasan ang mga anak kung kaunti lamang sila. Mabibili ang mga pangangailangan sa buhay
ng isang maliit na mag-anak. Tunay na mahalaga ang pagpaplano ng pamilya.
8. Ang magandang ugali ay kinagigiliwan ng mga tao. Kung taglay mo ang pag-uugaling ito ay walang
Kang makakasamaang-loob. Masayahin ang mga ganitong nilalang kaya't madaling magkaroon
ng kaibigan
9. Maraming naidudulot na kabutihan ang taong mayroong magandang kalooban. Nabibigyan niya ng
kasiyahan ang mga taong malapit sa kanya. Natutulungan niya ang mga taong nangangailangan.
Sadyang kailangan natin ang magandang pag-uugali.
10. Ang mga lata at kahong walang laman ay maaaring ipagbili. Mainam na pataba ang ibinaong
pinagbalatan ng prutas. Ang mga plastic na gamit na ay maaaring paglagyan ng maliliit na bagay.
Maaaring ipakain sa baboy ang pinakuluang bituka ng isda. Ito ay ilan lamang sa mga paraan
upang mapakinabangan ang basura.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.