9.Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay? *
A.Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
B.Hindi mabitawan ni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.
C.Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.Ayon sa kaniya sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
D.lahat ng nabanggit

10.Mahalaga ang lipunan sapagkat sa pamamagitan nito ay natatamo ng tao ang A.kasiyahan
B.mataas na kalagayan
C.espiritwalidad
D.kaganapan

11.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang humahadlang sa lipunang sibil? *
A.ang panghihimasok ng estado
B.ang kawalan ng pang matagalang liderato
C.ang pagkukusang-loob na mag kawanggawa
D.ang pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan

12.Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang: *
A.pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
B.pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
C.pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
D.pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

13.Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya? *
A.Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
B.Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
C.Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
D.Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa

14.Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na: *
A.ang lahat ay magiging masunurin
B.walang mag mamalabis sa lipunan
C.matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
D.bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan

15.Paano nakikiisa ang lipunang sibil sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan? *
A.Kasama ng mga mamamayan ang lipunang sibil sa pagsugpo ng katiwalian.
B.Katuwang ng lipunan sa pagtugon ng mga kakulangan batay sa pangangailangan ng lipunan.
C.Nakikiisa ang lipunang sibil sa kasiyahang mag-ukol o lumikom ng salapi para sa mga kababayan.
D.Tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng pamahalaan sa pagtugon ng pangkabuhayan ng mga mamamayan.

16.Ito ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon at mga hangarin ng isang pamayanan.
A.Batas
B.Kultura
C.Relihiyon
D.Organisasyon
17.Ang sumusunod ay mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa
A.Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal at katarungan.
B.Ang lahat ng tao ay dapat nasasaklaw ng mga batas na ipinatupad ng mga namumuno.
C.Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na hindi mapangalagaan.
D.Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.

18.Bakit kinakailangan ang pagbuo ng mga pampamayanang organisayon? *
A.Upang mas dumami ang puwersa na lalaban o tututol sa anumang hindi mahusay na pamamahala.
B.Upang mas madaling matugunan ang mga pangangailangan tungo sa maayos na pag-unlad ng moral na buhay.
C.Upang makamtan ang naising makaugnay sa ibang tao at iba’t ibang pangkat batay sa kalikasang panlipunan.
D.Upang mas maging masaya at maayos ang sama-samang pagkilos tungo sa kaunlaran ng lipunan at matiwasay na pamumuhay.

19.Ano ang kabutihang panlahat? *
A.kabutihan ng lahat ng tao
B.kabutihan ng mga pangkat
C.kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi mg lipunan
D.kabutihan ng lipunan na nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

20.Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A.pagkapanalo sa halalan
B.kakayahang gumawa ng batas
C.angking talino at kakayahan sa pamumuno
D.personal na katangiang tanggap ng pamayana​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.