9. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo't higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madaragdagan ang likas na yaman ng Asya.
10. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon. C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
11. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan. B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
12. Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?
A. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.
B. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao. C. Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.
13. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
14. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran? A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastik
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
15. Alin sa mga sumusunod ang land conversion?
A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao
B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan
C. Pagkawasak ng tirahan ng iba't ibang species ng hayop
D. Pagdami ng produksiyon ng pagkaing butil​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.