9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa katangian ng
bulong?
A. Binibigkas ang bulong para mabigyang babala ang mga 'nilalang na
hindi nakikita".
B. Ginagamit ng mga albularyo ang bulong bilang panggamot.
C. Sinasambit ito bilang isang pagbati sa mga tao.
D. Tinatawag ito na orasyon ng mga sinaunang tao.
TAMA O MALI: Isulat sa unahan ng bilang ang titik T kung sa palagay mo ay tama
ang pahayag na iyong nabasa at titik M naman kung sa tingin mo ay mali.
10. Ang mga akdang pampanitikan gaya ng alamat, awiting-bayan at bulong
at iba pa ay kapupulutan ng aral.
11. Ang bawat lugar sa bansa ay mayroong mga iba't ibang akdang likha.
12. Ang mga akdang gaya ng awiting-bayan, alamat at iba pang akdang
pampanitikan ay hindi na kailangang pag-aralan pa.
13. Nakakatulong ang mga akda ng bawat lugar para mabatid natin ang
kanilang mayamang kultura o kaugalian.
14. Ang bulong ay isa sa mga paniniwala ng mga tao na madalas pa ring
ginagamit magpahanggang ngayon.
15. Ang mga akdang pampanitikan ay may kanya-kanyang mga paksa.
Answers & Comments
Answer:
9. A
10. TAMA
11. TAMA
12. MALI
13. TAMA
14. TAMA
15. TAMA