8. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi
kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang
sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Magkalap ng patunay
9. Kung sa iyong pagsasagawa ng kilos kung sasagutin mo ba ang mga gawaing ipapasa kinabukasan o maglalaro na lang
ng ML dahil sa ikaw ay nababagot at napag-isipan mong gawin muna ang gawaing sagutin ang modyul, at natuwa ka sa
tamang pagpili, nasa anong yugto ng makataong kilos ang ipinakikita mo?
A. Intensiyon ng layunin
B. Praktikal na paghuhusga sa pinili
C. Bunga
D. Pagkaunawa sa layunin
10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang
nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya
si Amir?
A. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad
C. Maghanap ng ibang kaalaman
D. Umasa at magtiwala sa Diyos
11. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
12. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
13. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Umasa at magtiwala sa Diyos
14. Sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin, mahalagang magkaroon ng kapanatagan ng loob at tamang pagpapasya.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagharap sa suliranin?
A. Hindi papansinin ang problema
B. Humingi ng payo sa nakakatanda
C. Umiyak na lamang dahil sa problema
D. Manalangin sa Panginoon upang maliwanagan ang isipan
15. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang inyong pamilya ay dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Ginawa na lahat
ng makakaya ng pamilya upang maligtas ang buhay ng iyong kapatid dahil sa matinding sakit na kanyang dinaranas
ngayon. Awang-awa ka sa iyong kapatid at gusto mong makatulong subalit wala kang magawa. Anong proseso ng
pakikinig ang dapat gamitin ng pamilya?
A. Magsagawa ng pasiya
B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
C. Magkalap ng patunay
D. Isaisip ang mga posibilidad
16. Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes si Ramir. Hindi siya sumama at pinili na pumasok sa klase. Nasa anong
yugto ng makataong kilos si Ramir?
A. Intensiyon ng layunin​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.