Juan 3:16:"Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Moral Lesson: Ang tao ay magkakaroon lamang ng buhay na walang hanggan kung siya ay magkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Job 19:25 - 26:"Ngunit talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, At siya ay tatayo sa lupa sa kahulihulihan. At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, Gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman." Moral Lesson: Anumang pagsubok ay kakayanin ng tao basta may pananampalataya siya sa Diyos.
Mga Awit 23: "Ang Panginoon ay pastol ng mga mangaawit." Moral Lesson: Ang tao ay ipinanganak na walang anumang pag - aari. Ang lahat ay nagmula sa Diyos.
Mateo 25:40: "At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa. Moral Lesson: Anuman ang ginawa ng tao sa kanyang kapwa ay ginawa na rin niya ito sa Diyos. Ang kabutihan ay umaani ng kabutihan at ang kasamaan ay umaani ng katulad nito.
Hagai 1:5: "Ngayon ng'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad." Moral Lesson: Suriing mabuti ang mga pamamaraan sapagkat maaaring ang mga bagay na ginagawa ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos.
Juan 15:12: "Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo." Moral Lesson: Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
John 16:33: "Ang mga bagay na ito ay sinasalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan."Moral Lesson: Ang mga pagsubok ay ibinigay sa tao upang palakin siya kaya kailangan niyang maging matatag at magkaroon ng kapanatagan na hindi siya pababayaan ng Diyos.
1 John 4:7 - 8: "Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios, sapagka't ang Dios ay pagibig."Moral Lesson: Mahalin ang kapwa sapagkat ito ang pagpapakita ng pagkilala sa Diyos at upang tawagin na kanyang mga anak.
Answers & Comments
Verified answer
8 Bible Verses with Moral Lesson:
Keywords: bible verses, moral lesson
Pinagmulan ng Bibliya: brainly.ph/question/106318
#LetsStudy