7Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ano ang itinuturing na pika-dahilan kung bakit kinakailangan nating suriin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay? a. Malalaman mo kung alin sa impormasyon ang dapat tanggapin. b. Maliliwanagan ka kung ano ang kulang sa nararapat mong gawin. c. Matutulungan ka sa paggawa ng tama at makabuluhang desisyon. d. Malalaman mo kung aling impormasyon ang hindi dapat seseryosohin. 2. Sa harap ng pagdagsa ng samu't saring impormasyon, paano makatutulong ang isang Graphic Organizer sa atin? a. Naipapakita nito ang iyong kasanayan sa pagguhit b. Naipapamalas nito ang iyong kakayahan sa pagbasa c. Napapalawak nito ang iyong pag-unawa sa sitwasyon d. Nagbibigay ito ng isang mas maayos na pagsusulatan 3. Bakit mahalaga na malaman mo muna ang buong kaganapan o pangyayari bago ka magpasya? a. Hindi maganda ang mga desisyon na padalos-dalos. b. Mababago ng panahon ang iyong pagkaintindi sa sitwasyon. c. Kadalasan ay hindi magiging tama ang pasya kung kulang ang iyong nalalaman. d. Kinakailangang kasi na matingnan muna ang sitwasyon sa mga eksperto at hintayin ang kanilang opinyon bago ka gumawa ng desisyon 4. Bakit nagkakaroon ng dalawa o higit pang bersyon ang mga kuwento o balita na maaaring marinig? a. Iba't iba ang pananaw ng bawat isa sa atin. b. Pare-pareho ang epekto ng mga kaganapan sa lahat. c. Hindi maiiwasan ng tao ang kaniyang pagiging makasarili. d. Malikhain ang tao kaya madali siyang makakagawa ng mga kuwento. 5. Naghahanap ka ng magagamit mong laptop para sa iyong blended learning ngayong taon. Napag-alaman mo na may dalawang brand ng laptop ang available sa isang online shop. Magkakapareho lang ang presyo at specifications ng dalawa, ngunit ngayon mo lang narinig ang pangalan ng brand ng isa. Kaya nakapagdesisyon mo na bilhin na lamang ang laptop na kilalangkilala mo na ang brand. Ano ang mas pinagbabatayan mo sa desisyong ito? a. Kutob ng loob c. Kaalaman tungkol sa laptop b. Diskwento na makukuha d. Presyo ng dalawang laptop ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.