7. Ang mga pahayag ay tumutukoy sa pagbabagong kultural ng mga Filipino sa panahong kolonyal
maliban sa isa. Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang?
A. Itinuro lahat sa katutubo ang wikang Espanyol.
B. Binago ang paraan ng pagpapangalan sa mga Filipino.
C. Binigyan ng prayoridad ang mga kalalakihan sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
D. Ginawang matibay ang mga estruktura tulad ng simbahan, gusaling pampamahalaan, at mga
8. Sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol, nabago ang sistema ng pamamahala. Ano ang patunay na
nagbago ang kalagayang pampolitika ng mga sinaunang Filipino sa panahong kolonyal?
A. Ang Palacio del Gobernador ay ipinagawa sa panahong iyon.
B. Pinangasiwaan ang mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang sentral at lokal.
C. Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan
D. Ang mga katutubong Filipino ang humawak sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
9. Isa sa mga naging impluwensiya ng kolonyalismong Espanyol ay ang pagkahilig ng mga Pilipino sa
panitikan..Ano ang tawag sa mahabang tulang pasalaysay na binubuo naman ng walong pantig at
binibigkas sa kumpas ng martsa o allegro?
A. Awit
B. Korido
C. Pasyon
D. Senakulo
10. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbabago sa panahanan ng
mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
A. Napapahalagahan ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtanggap
ng mga Pilipino sa Katolisismo.
B. Napapahalagahan ang mga pagbabago sa panahanan sa pamamagitan ng pagsunod ng mga
Pilipinong nakatira sa kweba at liblib na lugar sa kagustuhan ng mga paring Espanyol na lumipat
sila sa mga pueblo.
C. Napapahalagahan ang mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagpriserba o pagpapanatili sa mga antigong bahay, at mga gusali na naiwan ng mga Espanyol,
D. Napapahalagahan ang mga pagbabago ng mga panahanan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagsira sa mga lumang bahay na naiwan ng mga Espanyol.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.