6
B. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Kilalanin ang mga paksa at
uri ng teksto binasa. Pumili sa kahon ng sagot at isulat sa patlang ang napiling
kasagutan.
_________________1. Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay. Mabuhay nang mapayapa,
mabuhay nang marangal at mabuhay nang maunlad. Magagawa lamang
natin ito kung ang wikang ating ginagamit sa araw-araw ng ating buhay
saanmang larangan ay ang wikang Filipino. Naniniwala ako na ang wikang
Filipino ang isa sa mga susi upang hindi na makawala pa sa ating mga
kamay ang mga karapatan na ito.
__________________2. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa
labas ng kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman, natuyo
ang lupa at walang tubig ang batis at ilog. Lumaganap ang taggutom.
Dumating ang panahon na nagluwal ng sanggol ang babae kaya’t
napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot nila ang kagubatan, pinasyal
ang burol at inakyat ang ituktok ng bundok. Sa kanilang pagkagulat ay
nakita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis na dahon at may
mga bunga iyon. Noon lamang sila nakakita ng ganoon.
__________________3. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon
sa limot sa kasaysayan ang isang bansa. Ang mga nasulat na tala ay
mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng
kanilang bansa.
__________________4. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ang
pagbabasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ito ay paraan ng pagkilala
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.
__________________5. Ang pagsulat ay isang prosesong dapat na sundin nang maayos. Una,
pagpasyahan mo kung ibig mong magpadala ng nakasulat na mensahe.
Ikalawa, planuhin ang iyong mensahe. Isulat mo ang lahat ng ibig mong
ilahad sa iyong dokumento. Organisahin ang iyong mga ideya sa paraang
pabalangkas. Pagkaraan, isulat ang iyong unang burador. Pagkatapos,
irebyu, irebisa at i-edit ang sinulat mo. Sa huli, ibahagi ang iyong isinulat sa
taong pinagkakatiwalaan mo para makatulong siya sa pagsusuri.
__________________6. Saanmang bahagi natin ito tingnan, malinaw na nagpapakita na ang
nabigong coup ay isang paglabas sa batas sapagkat ito’y di
makatarungang pagtira sa pamahalaang konstitusyonal na lehitimong
itinatag ng higit na nakararaming mamamayan sa pamamagitan ng
demokratikong eleskyon. Kung gayon, walang ibang paraan upang
tingnan ang coup na ito maliban sa isang pagtatangka na pabagsakin ang
tinamasa nating konstitusyonal na demokrasiya upang mapalitan ito ng
dikturya at pasistang militar.
Answers & Comments
Answer:
1.mabuhay
2.may nakita silang ibang halama