6. Ang Pilipinas ay paunlad nang paunlad. Patunay nito ay ang dumaraming kabuhayan sa buong bansa at ang mga magandang pagbabago. 7. Pinaparusahan na ng Panginoon ang mga tao sa kanilang kasalanan. Nagpapadala Siya ng maraming kalamidad upang bawiin ang buhay ng nakararami. Hinahayaan niyang lumaganap ang mga sakit at pandemya para maipamulat sa mga tao ang kanilang kasalanan 8. Ayon sa kasaysayan, Si Hen. Douglas MacArthur ay umalis ng Pilipinas upang pamunuan ang Southwestern Pacific noong Marso 17, 1942. Ipinahayag iya sa kanyang pag-alis ang mga katagang "I shall return”. 9. Kung minsan ay nagiging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga. Kaya nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno at pagkasira ng ozone layer. 10. Ayon sa mga nanay, ang karamihan ay hindi pa handa sa pagbukas ng klase. Maraming mga magulang ang nag-aalinlangan na papag-aralin ang kanilang mga anak dahil sa takot na mahawa ang mga ito ng COVID-19. Ang iba naman ay hindi pa handa sa bagong modality ng pag-aaral dahil wala silang gadget at internet connection. 11. Mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa kayarnanan, isang katunayan ayon sa salawikaing "ang kalusugan ay kayamanan." Hindi magiging produktibo ang isang tao kapag siya ay sakitin. 12. Ang droga ay nakasisira sa kinabukasan ng mga kabataan. Maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang maayos na trabaho dahil nalulong sa droga. 13. Mahalaga ang kagandahan dahil ito ang batayan sa ating lipunan. Ang magaganda ay maraming kaibigan at tagahanga. Kagandahan din ang isa sa batayan kapag naghahanap ng trabaho. 14. Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education. Marami sa mga propesyunal nating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa ang muli pang nag-aaral para makumpleto ang hinihinging kwalipikasyon sa kanila sa edukasyon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.