5.Isulat ang paksa ng usapan.
“Hindi pa po ba kayo tumitigil, Inay?” nang umuwi si Carlo sa baryo isang araw. “Halos hukot na ang iyong katawan.” “Ngayon pa bang magtatapos ka na?” ang sagot ni Aling Jovy na pinipilit pasayahin ang kaniyang mukha. “Magpahinga na kayo, Inay.” Ang sabi ni Carlo sabay hagod sa likod ng kaniyang ina. “Gusto kong panoorin ninyo ang aking pagtanggap ng karangalan. First Honor ako, Inay.” Araw na ng pagtatapos, pagkatanggap ni Carlo ng kaniyang diploma ay kitang kita ang matamis na ngiti sa labi ng kaniyang ina.
Paksa: ___________________________________________
6. Napakahalaga ng elektrisidad sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dinudulutan nito ng liwanag ang ating tahanan sa gabi. Madali at maginhawang natatapos ang ating mga gawain sa tahanan at sa mga tanggapan. Pinaaandar nito ang mga makinaryang pang-industriya.
Paksa: ___________________________________________
7. Lahat tayo ay makatutulong sa pagpapaganda ng ating kapaligiran. Unang dapat gawin ay linisan ang ating kapaligiran. Itapon sa basurahan ang mga basura at regular itong itapon tuwing daraan ang trak ng basura upang hindi bumaho ang kapaligiran. Nakagaganda rin ng kapaligiran ang pagtatanim ng mga halaman, sa maliit na espasyo o maging sa mga paso. Nakatutulong pa ito upang maging malinis ang hanging ating nalalanghap. Paksa: ___________________________________________
8. Malaking pinsala ang naidudulot ng paggamit ng dinamita sa pangingisda. Ito ang dahilan kung bakit nauubos ang yamang-dagat. Sa paggamit ng dinamita, hindi lamang ang mga malalaking isda ang namamatay, maging ang mga maliliit na isdang dapat pang lumaki at dumami ay napipinsala. Kaya naman ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa panghuhuli ng isda.
Paksa: ___________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.