Questions


October 2022 1 4 Report
5.Ang pagtatakda ng mithiin sa buhay ay dapat pangmadalian lamang upang hindi ito makalimutan at makamtan agad. Ang pahayag na ito ay:

1 point

A.Tama, dahil kailangang magawa at matapos agad ang mga plano sa buhay.

B.Tama, dahil napakabilis ang takbo ng panahon at madaling mawala ang pagkakataon.

C. Mali, dahil makabuluhan ang minimithi kung hindi ito minamadali.

D. Mali, dahil mahalagang magtakda din ng pangmatagalang mithiin para sa hinaharap.

6.Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya bilang inaasahan na kakayahan sa isang nagdadalaga at nagbibinata?

1 point

A.Ang pagbibigay unawa at halaga sa pakikipagsalamuha sa iba

B.Ang paghubog ng maayos at ganap na pakikipag-ugnayan sa kapwa

C.Ang pagtanggap ng responsibilidad at papel na gagampanan sa lipunan

D.Ang pagdesisyong pumili at gumawa para sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa

7. Ang pakikilahok sa programang Eko-Operatiba sa Lungsod ng Imus ay isang pamamaraan upang isakatuparan ang tungkulin sa:

1 point

A. Kalikasan

B. Pamilya

C. Sarili

D. Simbahan

8. Si Albert ay nabibilang sa klase na may iba’t ibang relihiyon at antas ng pamumuhay. May mga Kristiyano at mayroon ding mga Muslim. May mga mayaman at mayroon ding mga mahirap. Mapapansin na may pagkakaiba sa kanyang pakikitungo sa kanila. Maayos siyang makisama sa mga mayayaman at mapanlait naman siya sa mga mahihirap. Mas nakikipag-usap din siya sa mga Kristiyano at nilalayuan niya ang mga Muslim. Ano ang kailangang maunawaan ni Albert sa ikinikilos niyang ito?

1 point

A.Piliin ang taong igagalang at ang taong huhusgahan.

B.Pakisamahan ang kapwa ayon sa yaman at paniniwala.

C.Timbangin ang halaga ng tao ayon sa antas ng pamumuhay niya.

D. Tingnan ng pantay-pantay ang lahat ng tao sa dignidad at halaga.

9. Si Karen ay lumaking tapat at hindi nagsisinungaling. Kahit tinatakot na siya ng mga kaklase na huwag magsumbong sa nakitang pangongopya nila, walang pagdadalawang-isip na sinabi pa rin niya ang totoo nang tinanong siya ng guro tungkol dito. Anong katangiang panloob na salik ang pinapakita ni Karen?

1 point

A.Mahina at kulang ang pakikisama lalo na sa oras ng paninita

B.Mabuting asal ang ipinapakita para makilala at umangat siya sa iba

C.Malakas ang loob na ipagtanggol ang sarili kapag siya ay hinahamon lagi

D. Matatag at matibay ang paninindigan sa gitna ng pagbabanta ng mga kaibigan

10.Bago pa man pumili ng kurso o trabaho ang isang high school na mag-aaral, kailangan muna niyang alamin ang kanyang kakayahan, interes, pagpapahalaga at mithiin. Ang pahayag na ito ay:

1 point

A.Tama, dahil ito ang kagustuhan para sa kanya ng magulang at lipunan.

B. Tama, dahil ito ang magbibigay sa kanya ng dahilan at direksyon para maabot ang pangarap.

C. Mali, dahil may karapatan siyang pumili kung ano ang pinipili ng karamihan.

D. Mali, dahil may responsibilidad siyang kumuha ng trabahong may malaking sweldo.



BRAINLIEST ANSWER PO PLSSSSSS

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.