53-60.Sumulat ng sariling pabula na taglay ang iba't-ibang elemento ng kuwento, na may angkop na simula, gitna at wakas na kapupulutan ng aral ng mga tao sa ating lipunan
Pumili ng mga gagawing karakter sa kuwento
halimbawa: buwaya at pagong, langgam at toro, kalabaw at paruparu, baboy at manok at iba pa.
tamang sagot po sana.
Answers & Comments
Ang mayabang na langgam
Isang langgam ang sa kanilang lugar ang ubod ng yabang. lahat ng makakasalubong niya ay kaniyang tinutukso. Sa kanilang lugar kilala siyang matapang dahil sa kaniyang likas na lakas sa pagbubuhat ng sabay sabay na bagay. maraming natatakot sa kanya kaya sinasamantala n'ya ito para mang-api ng iba.
Habang kumukuha sila ng pagkain isang kaawa-awang batang langgam ang kanyang walang awang pinag aasar. inaambahan n'ya rin ito ng suntok na dahilan para umiyak ito. maraming galit sa kanyang kapwa n'ya langgam subalit wala silang magawa para pigilan ito.
Sa sobrang kayabangan ay hinamak n'ya mag isa ang lugar ng mga taong nagtatakbuhan. sinabi n'ya sa kanyang kapwa langgam na tatawid s'ya sa kabilang kalsada ng ligtas. hindi n'ya inisip na sobrang mapanganib ng kanyang gagawin, subalit hindi naman nila ito mapigilan sa kaniyang hangaring magmalaki. wala pa sa kalagitnaan ay aksidente s'yang natapakan ng dambuhala at napakabigat na paa ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang kanilang lugar ay nagdiwang matapos ang masalimuot na pangyayaring iyon. sa wakas ay nakalaya na rin sila sa isang mayabang na langgam.
aral: "huwag maging mataas ang tingin sa sarili, dahil ikaw mismo ang magpapahamak sa iyong sarili."