5. Ang katangian ng epikong Gilgamesh sa epikong mula sa Pilipinas ay ang mga sumusunod maliban sa isa, ano ito. A. May angking kapangyarihan ang pangunahing tauhan B. May angking lakas ang pangunahing tauhan C. May mapanganib na bangis kagaya ng mga diyos D. Isang taong madaling mamatay kung gustuhin ng ordinaryong tao. Enkido kay Gilgamesh? "Kaibigan.
Answers & Comments
Epiko ni Gilgamesh: Ang katangian ni Gilgamesh na maituturing na kahanga - hanga ay ang kanyang pagiging tapat na kaibigan. Bagaman naging magkalaban sina Gilgamesh at Enkido, sila rin ay naging mabuting magkaibigan. Kapwa nila binantayan at pinaglaban ang kagubatan. Nang dapuan ng malubhang karamdaman si Enkido ay labis itong ikinalungkot ni Gilgamesh. Maging ang panaginip ng kaibigan ay labis niyang ikinabahala. Nahahabag siya sa kaibigan na mamamayapang walang dangal sapagkat ginupo ng karamdaman at hindi magbubuwis ng buhay sa pakikipaglaban. Siya ang naging karamay nito hanggang sa ito ay bawian ng buhay. Sa labis na lungkot at pagluluksa ay nagawa nitong manatiling tahimik sa loob ng pitong araw at gabi. Kalaunan ay ipinagpatayo niya ng rebulto si Enkido bilang pag ala - ala sa namayapang kaibigan. Keywords: Gilgamesh, katangian