Questions


September 2022 1 1 Report
4.
Buhay sa Panahon ng Pandemya
ni: Fieronamie Ruiz
Ang lahat ay di mapakali sa kakahanap ng alternatibong hanapbuhay upang masuportahan
ang pamilya. Ang mag-aaral ay abala sa gawaing bahay kasabay ng pag-aaral gamit ang modyul.
Ang bawat isa ay iisa lang ang tanong sa isipan, Kailan matatapos ang pandemnyang ito?
Samu't sari ang naranasan ng mamamayan sa ating kinakaharap na pagsubok. Mayaman man
o mahirap, naranasan ang lupit ng kahirapan ng hanapbuhay, limitadong pagkilos at pag iingat sa
bawat paglabas sa tahanan.
Paggising pa lang sa umaga, pumapalaot na ang aking ama upang maghanap ng isdang maaari
naming ulamin at maibenta upang may panawid gutom sa maghapon. Ang aking ina ang nag aasikaso
sa mga gawaing bahay at minsan, kapag may libreng oras ay umeekstra sa pagtatali ng tambalang
(seaweeds). Sa ganitong paraan natatapos ang buong maghapon namin.
Sa loob ng aming tahanan, ang aking mga kapatid ay palaging abala tuwing gabi upang
magbasa at pag-aralan ang kanilang aralin. Madalas pa nga, tinatanong nila ako tungkol sa mga bagay
na hindi nila maunawaan. Napag-isip isip ko lang, paano ang mga magulang na di nakapagtapos ng
pag-aaral at hindi sapat ang kaalaman upang masagot ang tanong ng kanilang mga anak? Paano
nakakaraos ang isang aralin kung ang mag-aaral at magulang ay kapwa di marunong magbasa at
magsulat? Paano ang pag-aaral sa panahon ng pandemya?
Sa kabila ng lahat, pandemya lang yan Pinoy tayo! Kaya at kakayanin nating lahat ito
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang paksa ag telestong iyong binasa?
2. Sino-sino ang mga apektado ng pandemya?
3. Ano ang nais ipabatid ng may akda sa nararanasan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya?
4. Paano naapektuhan ng pandemya ang hanapbuhay ng mamamayan?
5. Sa iyong opinyon, naniniwala ba ang may akda na malalampasan nating lahat ang suliraning ito? Paano
mo nasabi?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.