490 Cauteng Tingnan ang mga larawan, sumulat ng mga pangungusap tungkol dito. Isulat din kung ang iyong pangungusap na ginawa ay nasa karaniwano di-karaniwang ayos. Saint Joseph ish Church Paneun usap: 1 Ayos na pangungusap. Pangungusap: 2. Ayos ng pangungusap: magsasaka
Answers & Comments
Answer:
10 Halimbawa ng Karaniwang ayos at di Karaniwang ayos ng Pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap, ito ay ang mga sumusunod;
Karaniwang Ayos
Di-karaniwang Ayos
Karaniwang Ayos
-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) bago ang simuno (ang pinag-uusapan) sa pangungusap.
Mga 10 Halimbawa ng Karaniwang ayos ng Pangungusap
Nagsitakbuhan sa halamanan ang mga bata.
Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga opisyal ng San Diego.
Naging matapat sa tungkulin si Ginang Cruz.
Umalis ng maaga sa bahay ang mga bisita.
Lumahok sa pambansang palaro si Baldo.
Lumayas sa kanilang bahay si Boskie.
Mayaman sa yamang-tao ang bansang Pilipinas.
Maganang kumain sa umaga at hapon ang mga alaga kong hayop.
Tumatakbo sa gita ng dilim ang kabayong puti.
Nasa malayong lugar ang kanyang mga magulang.
Di-Karaniwang Ayos
-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang simuno (ang pinag-uusapan) bago ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) sa pangungusap.
Mga 10 Halimbawa ng Di-karaniwang ayos ng Pangungusap
Ang mga bata ay nagsitakbuhan sa halamanan.
Ang mga opisyal ng San Diego ay nagkakaisa at nagtutulungan.
Si Ginang Cruz ay naging matapat sa tungkulin.
Ang mga bisita ay umalis ng maaga sa bahay.
Si Baldo ay lumahok sa pambansang palaro.
Si Boskie ay lumayas sa kanilang bahay.
Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa yamang-tao.
Ang mga alaga kong hayop ay maganang kumain sa umaga at hapon.
Ang kabayong puti ay tumatakbo sa gita ng dilim.
Ang kanyang mga magulang ay nasa malayong lugar.
5 karaniwang ayos at 5 di karaniwang ayos tungkol sa panahon brainly.ph/question/2148330
Mag bigay ng mga halim bawa ng karaniwang ayos at di karaniwang ayos brainly.ph/question/2152486
Halimbawa ng pangungusap na nasa di karaniwang ayos brainly.ph/question/218171
Explanation: