Questions


October 2022 1 3 Report
4. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling
pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang isang
kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa
pahayag?
a. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya
ay may kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
b. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
d. Ang tao ay pantay-pantay.
5. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng

konsepto, mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil din sa taglay niyang kilos-
loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga

ito lamang ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng
tao, paano naman ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan
ng katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na
hindi na makapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal
ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad nila bilang tao.
Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang. Ano ang
ipinababatid ng pahayag na ito?

19 CO_Q2_ESP7_Module5
a. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad
na nararapat pahalagahan at igalang.
b. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
c. Ang tao ay may kilos-loob.
d. Ang tao ay may isip.
6. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
a. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
c. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
d. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
7. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya
sa maraming bagay?
a. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
d. Dahil sa pagiging angat sa iba
8. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang
minamahal at nagmamahal?
a. Paggalang
b. Pagmamahal
c. Pagmamalasakit
d. Pagtitiwala
9. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?
a. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa.
b. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay.
c. upang maging mabuting halimbawa sa kapwa.
d. upang makilala sa lipunang ginagalawan.
10.Ano ang itinuturing na pagiging moral?
a. Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na
nahuhubog sa Likas Batas Moral.
b. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
c. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.