4. Bakit itinaguyod nina Manuel L. Quezon al Gobernador Heneral Francis Burton ang Guardia Nacional?

A. Upang maipakita sa United States at sa buong daigdig na handa na ang Pilipinas sa kalayaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahandaan na ipagtanggol ang sarili at sumali sa kaganapan sa daigdig.

B. Upang ipakita ng mga Pilipino ang kanilang katapatan sa United States.

C. Dahil alam ni Manuel L. Quezon na malakas ang mga Pilipino at kaya nilang makipagsabayan sa ibang bansa sa Europa.

D. Dahil malaki ang utang ng Pilipinas sa United States at ang kabayaran ay ang pakikipaglaban sa mga bansang kaaway ng United States.

5. Isa ang Japan sa mga nahirapang bansa noong bumagsak ang stock market ng United States at nag-umpisa ang Great Depression. Paano ito nasolusyonan at nalagpasan ng Japan?

A. Nakipag-alyansa ang Japan sa bansang France at England.

B. Umutang ng malaking halaga ang Japan sa Germany.

C. Nakiusap siya sa Germany na tulungan silang tustusan ang mga pangan- gailangan ng kanilang bansa.

D. Pinalakas nila ang kanilang sandatahang lakas o hukbong militar dahil naniniwala sila na ito ang solusyon.

6. Bakit sumiklab ang unang digmaang pandaigdig?

A. Dahil sa pagbabalewalang bahala ng Japan sa mga napagkasunduan ng iba pang mga bansa.

B. Dahil sa pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa at ang pag-uunahan nila sa teri- toryo at iba pang interes.

C. Dahil sa pakikipag-alyansa ng Japan at Italy para maging makapangyarihang bansa sa daigdig.

D. Dahil sa hindi maayos na pakikitungo ng mga taga-Europa sa bansang Japan.

7. Ano ang pangyayaring nagbigay-daan sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pan- daigdig?

A. Ang pagbabalewalang-bahala ng Japan sa mga napagkasunduan ng iba pang mga bansa sa Europa halimbawa ay ang pagrespeto sa integridad ng China,

B. Ang pag-aalyansa ng mga bansang Europa at ang pag-uunahan nila sa teritoryo at iba pang interes.

C. Ang pakikipag-alyansa ng Japan at Italy para maging makapangyarihang bansa sa daigdig.

D. Ang pagpapatalsik sa mga Hapones sa mga isla na sakop nito sa Pacific,

8. Ano ang nilalaman ng kasunduan sa Versailles o Treaty of Versailles?

A. Nakuha ng Japan ang Manchuria na dating nasa kamay ng Germany at binigyan ito ng kapangyarihan na mamuno sa mga isla sa Pacific Ocean na nasa hilaga ng Ecuador na dating nasa kamay din ng Germany.

B. Nakuha ng Japan Shantung na dating nasa kamay ng Germany at binigyan ito ng kapangyarihan na mamuno sa mga isla sa Pacific Ocean na nasa hilaga ng Ecuador na dating nasa kamay din ng Germany.

C. Napasakamay ng Japan ang China at binigyan ng pantay na pagtrato at pagtingin ang Japan o racial equality ang Japan na siyang nais na makamit nito.

D. Napasakamay ng Japan ang ilan sa mga isla sa Pacific at binigyan ng pantay na pagtrato at pagtingin ang Japan o racial equality ang Japan na siyang nais na makamit nito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.