Questions


September 2022 1 1 Report
4. Ano pa kaya ang dapat ginawa ng mga eksperto kay Kabayan upang mas naging normal at humaba ang kanyang buhay?

“Taghoy ni Kabayan”
I

Dalubhasang mga kamay ang sa akin ay nagpala
At sa hawlang parisukat iniluwal ng tadhana
Lahat noon ay nagalak at marami ang namangha
Naging laman ng balita at sumikatk sa balana.

II

Pagsiyap ko ay musika, mahika ang bawat galaw
Piling-pili ang pagkain kapag t’yan ay kumalam
Bawat hakbang na gawin ko, kamera ay umiilaw
Parang mutya kung ituring, para akong dugong-bughaw.

III

Kung sakaling sa gubat na luntian, ako’y isinilang at nagkamalay
Ako kaya’y makaranas ng ganitong kapalaran?
Akin kayang maabot ang ganitong kalagayan
Ang mamuhay nang sagana at puro kasikatan?

IV

Hindi lingid sa isip ko ang tunay nma pangyayari
Kaya ako’y naririto sa kulungan lumaki
Lahi nami’y nauubos kaya dapat na dumami
Artipisyal na paraan ang sa aki’y humahabi.

V

Dumalang ang mgaq puno, gumuho ang mga bundok
Sa gubat na dapat sana’y doon kami nakaluklok
Inabuso ng maraming tampalasan at dayukdok
Kinuha ang kayamanan, trahedya ang idinulot.

VI

Ano pa nga’t nang dumatal itong araw ng paglaya
Sa tahanang nakagisnan, lumabas na tuwang-tuwa
Sasapiting kapalaran ay hindi ko alintana
Basta ako’y makalipad, makalayo, makawala.

VII

Nasanay na sa maalwan at maluhong pamumuhay
Ang lahat ay laging dulot, gumabi man umaraw
Di ko batid ang panganib palibhasa’y hindi gamay
Ang mamuhay nang malaya sa pusod ng kagubatan.

7

VIII

O, kay lupit ng tadhana sa aking kapalaran
Ako pala ay mauutas at matatapos lang ang buhay
Limitasyon ng paglikha sa akin ay naging sundang
Patawarin sila ng Diyos, ‘pagkat sila’y tao lamang.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.