37 Nagpatawag ng mediko
yaong marunong sa reyno
di nahulaan kung ano
ang sakit ni Don Fernando.
38 Kaya ba ang mga anak
katulad ang reynang liyag
dalamhati’y di masukat
araw-gabi’y may bagabag.
39 Sa kalooban ng Diyos
may nakuhang manggagamot
ito nga ang nakatalos
sa sakit ng haring bantog.
1. Ano ang katangian ng halimbawang
saknong ng korido batay sa anyo
nito?
2. Tukuyin ang katangian ng mga
tauhan sa korido.
3. Ibigay ang kasingkahulugan ng
salitang nakasulat nang madiin sa
saknong 39.
4. Isalaysay ang naging epekto ng
pagkakasakit ng hari sa kanyang
pamilya.
5. Paano mo maiuugnay ang dinaranas
na suliranin ng mga tauhan sa
kasalukuyang kalagayan ng ating
bansa? Ipaliwanag
Answers & Comments
Answer:
1. May tugma
2. Mapagmahal, maawain, makaDiyos
3. nakatalos -nakaalam
4. Hindi makatulog at lubhang nag-aalala ang kanyang pamilya
5. Sa kasalukuyan meron ding sakit na kinakaharap ang ating bansa na wala pang gamot na sadyang makapagpagaling gaya ng sa dinaranas na suliranin sa korido na meron ding sakit ang hari na sobrang pinag-alala nila.
Explanation:
Sana makatulong