Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Basahin ang sipi ng akdang pinamagatang
"Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina". Matapos basahin ay sagutan sa
kuwaderno ang mga tanong.
Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina
Tungkung Langit at Alunsina, sila ang unang lalake at babae sa daigdig at
ang pinag-ugatan ng buhay. Nabighani silang dalawa sa kanilang kakisigan at
kagandahan at sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay natutuhan nilang
mahalin ang isa't-isa. Nagkaisang dibdib sila at nagsama bilang magkabiyak. Si
Tungkung Langit bilang lalake, siya ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga
mabibigat na gawain. At si Alunsina bilang babae, siya ang naiiwan sa kanilang
tahanan. At kaya hindi niya maiwasan na mainip na nagdulot naman sa
pagtatalo nila dahil ayaw siyang payagan ni Tungkung Langit na tumulong kahit
na magkaparehas lang silang bathala na may kapangyarihan. Ngunit umiral
parin ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Isang araw nagpaalam si Tungkung
Langit kay Alunsina na matagal siyang mamawala at meron lang siyang
tatapusin. Nagmamadaling umalis si Tungkung Langit na parang mas importante
pa sa kanya ang pupuntahan niya kaya nanghinala si Alunsina at sinundan niya
ito. Natunugan siya ni Tungkung Lahit at nagalit sa kanya. At sa sobrang
galit, inagaw niya ang kanyang kapangyarihan at pinagtabuyan palabas sa
kanilang tahanan. Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan ng walang anumang
mahalagang bagay. Hubad siya nang una silang magkita at hubad rin siya ng
sila'y maghiwalay. At ng matagal na siyang hindi nagbalik sa kanilang tahanan ay
nabalitaan niya ang pangungulila ni Tungkung Langit sa kanyang yakap at halik
at sa bawat sandali na magkasama sila. Ginawa lahat ni Tungkung Langit ang
makakaya ng kanyang kapangyarihan upang mapabalik siya sa kanyang piling
ngunit kahit anong pagsuyo niya ay tinatanggihan at hindi pinapansin.
Nagdalamhati si Tungkung Langit sa nadama niyang pangungulila at mamuhay
nang mag-isa na hindi kasama si Alunsina. Lumuha nang lumuha si Tungkung
Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan.Kapag siya'y humahagulgol, nagbubunga iyon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Hindi man lang nalaman at nasilayan ni Tungkung Langit ang magiging supling nila ni Alunsina at ang pagiging isang pamilya nila. https://brainly.ph/question/36702#readmore
1.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong pinanood? Sino ang tauhang higit mong nagustuhan? Ibigay ang kanilang mga katangian. Naging kawili-wili ba ang mga tauhang ito para sa iyo? Bakit?
2. Maituturing bang akdang pampanitikan ang mga akdang gumagamit ng mga diyos, diyosa, bathala at diwata bilang mga tauhan? Ano ang tawag dito?
3. Ibigay ang pangkalahatang tema ng mitolohiya bilang isang akdang pampani- tikan. Paano ito nagkakapareho at naiiba sa ibang akdang pampanitikan? 4. Punan ang mga patlang ng mga salitang kukumpleto sa pangkalahatang kai- sipan ng aralin.
Ang______ ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may kinalaman___________ ,____________,at mga kakaibang _________na may kapangyarihan

report nonsence​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.