Questions


September 2022 1 0 Report
32. Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Parity Rights maliban sa isa. Ano ito?
A. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya
B. Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano
C. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan
D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya
33. Kanino naman hinango ang pangalan ng batas na PhilippineTrade act?
A.Sen. Millard Tydings B. Pang. Manuel Quezon C. Cong. Jasper Bell D.
Pang. Manuel Roxas
34. Tumutukoy sa lubos na pagkamalaya at pagkamakapangyarihan ng isang bansa.
A.Soberanyang panloob B. Soberanyang panlabas C. Soberanya D.
Kapayapaan
35. Paano maipapakita ng Pilipinas ang pagkakaroon ng panloob na Soberanya?
A. Limitado ang kapangyarihan
B. Nagpapatupad ng sariling batas
C. Sumusunod sa batas ng ibang bansa
D. Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang bansa sa impluwensya ng ibang bansa.
36. Ito at isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga panganib
katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan.
A.Referendum B. Pambansang Kumbensyon C. Coup Detat D. Batas Militar
37. Sila ang mga pangkat ng tao na naghahangad ng pagbabago sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan
MALIBAN sa isa.
A.NPA B. CPP C. MNLF D. PNP
38.Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayaring nagbigay daan para maideklara ang Batas Militar noong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos?
I. Pagsilang ng Makakaliwang Pangkat
II. Paglubha ng mga Suliranin sa Katahimikan at Kaayusan
III. Pagbomba sa Plaza Miranda
IV.Pagsuspinde sa Pribilheyo ng Writ of Habeas Corpus
A. I, II, III B. II, III, IV C. III, IV, I D. Lahat ng Nabanggit
39.Siya ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya
sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama
ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot.
A.Jose DIokno B. Lino Brocka C. Joaquin Roces D. Ninoy Aquino
40.Siya ay isang senador na kasama ni Ninoy Aquino na dinakip at ikinulong nang halos 2 taon ng walang
isinasampang kaso laban sa kanya.
A. Lino Brocka B. Jose Diokno C. Teodoro Locsin D. Napoleon Rama

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.