3. Si Mang Boy ay isang masipag na driver. Ika-5 palang ng umaga ay nagsisimula na siyang pumasada ng traysikel. Kahit na may iniinda siyang hika ay patuloy pa rin siyang kumakayod para sa kaniyang asawa na may sakit rin at sa kaniyang anak na nag-aaral sa kolehiyo. Naitatawid din naman nila ang kanilang mga pangangailangan at gastusin sa araw-araw. Positibo rin sa buhay si Mang Boy. Mahilig siyang makipagkwentuhan sa kaniyang mga pasahero habang bumibiyahe kaya pakiramdam niya sa pagpapasada. magaan ang naman Isang araw, may napansin siyang naiwan sa kaniyang traysikel na maliit na eco-bag. Nang tiningnan niya ang laman nito ay laking pagkagulat niya! Pera! Malaking halagang pera! Hindi na niya binilang ang laman nito. Dali-dali niyang binalikan ang lugar kung saan niya inihatid ang mag-asawang matanda. Sigurado siyang ang mga ito ang nagmamay-ari ng eco-bag dahil natatandaan niyang ang mga ito lang sa mga naging pasahero niya ang may dala-dala nito. Pagdating niya doon, ay nandoon nga ang dalawang matanda na tila ba may hinihintay. At nang matanaw siya ng mga ito, biglang umaliwalas ang mga mukha nito. Isinauli niya ang kanyang napulot na eco bag na naglalaman ng pera. Laking pasasalamat naman ng mga ito dahil ang pera pala ay nakalaan para sa pagpapagamot ng matandang babae. Ano kaya ang mangyayari matapos maisauli ni Mang Boy ang pera sa mga matatanda?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.