Questions


October 2022 1 5 Report
_______3. Sa klase niya sa HeKaSi, si Maria ay nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa problema ng kanilang barangay sa basura. Anong karapatan ang isinaalang-alang dito?
A. Karapatang maipagmalaki ang sarili
B. Karapatang bumatikos sa pamahalaan
C. Kalayaan sa pagpapahayag ng opinion
D. Kalayaan sa pamimili ng opisyal ng pamahalaan
_______4. Palaging nag-aanyaya ng pagpupulong ang pangulo ng Supreme Pupil Government ng iyong paaralan kapag may mahalagang bagayna dedesisyunan. Nais nitong marinig ang panig ng mga mag-aaral sa mga isyung pinag-uusapan. Anong karapatan ang kanyang isinasaalang-alang?
A. Karapatan sa pagdedesisyon
B. Karapatang makasali sa grupo
C. Karapatang makasama sa pagpupulong
D. Karapatan sa pagbibigay ng sariling opinion
______5. Paano mo maipakikita ang sipag at tiyaga sa pag-aaral?
A. Magdildil ng asin
B. Mag-aral ng 24 oras sa loob ng isang araw
C. Iwasan ang pagsasagawa ng mga gawaing bahay
D. Mag-aral kahit wala ang guro at magulang na sumusubaybay
_______6. Oras na ng flag ceremony. Kailangan niyo nang pumila pero sinabi ng kaibigan mo magtatago lamang kayo. Ano ang gagawin mo?
A. Maglalaro na lang kami.
B. Isusumbong ko siya sa guro.
C. Sasamahan ko siya kung ano ang gusto niya.
D. Kukumbisihin ko siya na makilahok kami sa flag ceremony.
_______7. .Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Wala akong gagawin.
B. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda
C. Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisan ang mga kanal.
D. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong pangkalinisan
na kasali ang mga bata at matatanda.
________8. Si Elsa ang napili bilang lider na magtanghal sa isang palatuntunan ng inyong pangkat. Nais mong ikaw ang mamuno. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ako sasali sa pagtatanghal.
B. Susundin ko siya pero labag sa kalooban ko.
C. Hindi ako sisipot sa tuwing may pagsasanay.
D. Susundin ko siya at magbibigay ako ng suhestiyon kung nararapat.
______9. May takdang-aralin kayo na kailangan ng ipasasa asignaturang Filipino. Nalaman mong hindi nakagawa ang kaibigan mo dahil nalibang siya sa paglalaro.. Ano ang gagawin mo?
A. Pakokopyahin ko siya para mas madali.
B. Liliban na lang kami sa klase para patas.
C. Sasabihan ko na gumawa na habang may oras pa.
D. Ako na lang ang gagawa ng kanyang takdang - aralin.
_______10. May ibinigay na takdang gawain ang inyong guro sa Sining sa bawat grupo sa inyong klase. Walang marunong gumuhit sa iyong mga kasama. Alam mo sa sarili mo na may kakayahan ka sa larangang ito. Ano ang gagawin mo?
A. Magsasawalang kibo upang hindi na mahirapan pa
B. Ipagyayabang mo ang iyong kakayahan sa pagguhit.
C. Kukutyain ang mga kasamang mahina sa larangang ito.
D. Ipakikita ang angking kakayahan upang makatulong sa grupo.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.