Ang lagom o buod ay presentasyon sa pagbuo ng isang maikling balangkas ng mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa isang pananaliksik. Dapat ito ay payak at tiyak. Ibig sabihin, ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto, kuwento, o impormasyon na maaaring nabasa, napanood, o napakinggan. Pinipili rito ang pinakamahahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos. Pangunahing Katangian ng Pagbubuod 1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa. 2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus gumagamit ng sariling pananalita. 3. Binubuo ng 1/3 ng orihinal na teksto o mas maikli pa. Halimbawa ng Teksto at ang Lagom o Buod Nito Ayon kay dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial, tuwing panahon ng bakasyon ay mas malaki ang pagkakataon na makagat ng aso ang mga bata dahil mas matagal ang oras na inilalagi ng mga ito kasama ang kanilang mga alagang aso. Aniya, mas dapat na tiyaking may bakuna ang mga alagang aso para matiyak ang kaligtasan ng mga taong kasama nito sa bahay. Paalala rin ng kalihim na bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pakikipaglaro ng mga ito sa mga alagang aso dahil posible itong masaktan at manakit o mangagat.Tiyakin din aniya na laging may inuming tubig ang mga alagang aso at lagi itong presko para hindi maging iritable dahil gaya aniya ng tao ay nararamdaman din ng mga ito ang init ng panahon. Sa oras naman na makagat ng aso ay importanteng banlawan ng malinis na tubig ang sugat at sabunin bago takpan at agad dumiretso sa mga animal bite centers para sa rabies shots. Lagom o Buod Dahil madalas nasa labas ang mga bata tuwing bakasyon ay mas malaki ang tsansa na makagat sila ng aso, ayon kay dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial. Dahil dito hinikayat niya na bantayan ng mga magulang ang mga anak, tiyaking bakunado ang mga alagang aso, at siguruhing mayroong sapat na inuming tubig para maiwasan na maging iritable ang mga ito dahil sa init ng panahon. Paalala rin niya na kapag nakagat ng aso ay banlawan ito ng malinis na tubig na may sabon, takpan ng benda, at dumiretso kaagad sa pagamutan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.