3. Ilang araw nang masakit ang ngipin ni Rita. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil sa sobrang sakit nito. Uminom siya ng isang kapsula ng pain reliever para mawala ang pananakit nito. Matapos ang ilang minuto ay guminhawa na ang D kaniyang pakiramdam. Tuwing sumasakit ang kaniyang ngipin, maya't maya rin ang pag-inom niya ng pain reliever. Sa mga sumunod na araw, tuwing sumasakit ang kaniyang ngipin ay dalawang kapsula na ng pain reliever ang kaniyang iniinom, sa pag-aakalang mas mahaba ang bisa nito. Hindi nagtagal, nakaramdam na siya ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at hirap sa paghinga. Saan nagkamali si Rita? 4. Ilang linggo na ang ubo ni Toni. Bumili siya ng OTC na cough syrup upang gumaling mula sa kanyang ubo. Hindi niya sinunod ang tamang sukat na nasa label ng gamot at labis-labis ang kaniyang iniinom. Napansin niya na ang labis na pag-inom nito ay tulad ng epekto mula sa pagkalasing sa alak. Di nagtagal, gumaling na si Toni sa kaniyang ubo ngunit palagi pa rin siyang umiinom ng cough syrup at tila hindi niya na maiwasan ang pag-inom nito. Saan nagkamali si Toni?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.