Questions


December 2022 1 11 Report
11. Paano patuloy na ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pagnanais na lumaya?

A. Sa pagrarali at demonstrasyon C. Sa pagpinta at pagsayaw

B. Sa pagdarasal at prusisyon D. Sa pagsusulat at mga palabas


12. Bakit nagpadala ang Pilipinas sa Amerika ng mga misyong pangkasarinlan?

A. Upang makapagdala ng mas marami pang estudyante pensiyonado

B. Upang maging isa sa mga estado ng Amerika ang Pilipinas

C. Upang huminga ng salaping tulong sa bansa

D. Upang hilingin ang kalayaan ng Pilipinas


13. Paano mailarawan ang pamahalaang Komonwelt?

A. Malayang pamahalaan sa isang bansang Malaya

B. Malasariling pamahalaan sa Pilipinas sa ilalim ng Amerika

C. Malayang pamahalaan ng Pilipinas na sinakop ng Amerika

D. Malasariling pamahalaan ng Amerika sa ilalim ng mga Pilipino



14. Bakit itinuring na makasaysayan ang Death March?

A. Naitigil nito ang madugong labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Hapones

B. Nagpapatunay ito na matatag ang mga sundalong Pilipino at hindi basta mapapasuko

C. Maraming Pilipino at Amerikano ang masayang nakilahok sa martsa na

pinamumunuan ng mga sundalong Hapones

D. Maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay nang sila'y pinagmartsa ng

mga Hapones mula Bataan hanggang Tarlac


15. Bakit tinawag na Panahon ng Kadiliman ang panahon ng Ikalawang Republika?

A. Walang seguridad at katiyakan ang buhay ng mga mamamayan

B. Naging makabago ang pamumuhay ng mga Pilipino

C. Nagkaroon ng Digmaang Pandaigdig

D. Maraming Pilipino ang namundok


16. Paano bumangon ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?

A.Sila ay nagnakaw at nangamkam ng mga ari-arian ng mga dayuhan

B. Sila ay naging mapamaraan, nagsikap, at nagdamayan.

C.Sila ay nagtungo sa mga lalawigan upang magsaka.

D.Sila ay namuhunan sa maliit na negosyo


17. Hindi matatawaran ang katapangan husay at galing ng mga bayaning Pilipino. Ang

kanilang damdaming makabayan ang nagsilbi nilang malakas na sandata upang

makamit ang hinahangad na kalayaan. Bakit dapat nating silang ipagmalaki?

A.Dahil namatay sila sa digmaan

B.Dahil marami silang napatay sa digmaan

C. Dahil matagal silang nakipaglaban sa bayan

D. Dahil may nagawa silang kahanga-hanga sa bayan


18. Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig kaya

naman nang matamo ang kalayaan sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946 ay naharap

ito sa malaking suliranin. Alin sa sumusunod?

A. Pagkawasak ng mga tirahan,gusali at lugmok ang kabuhayan at ekonomiya ng bansa.

B. Nagsagawa ng mga programa at patakaran para sa kaunlaran.

C. Nagkaroon ng maayos na kabuhayan at kasaganaan.

D. Naging maunlad ang mamamayan ng bansa .


19. Upang masolusyunan ang mga suliraning pangkabuhayan at panlipunan, anong

pamamaraan ang isinagawa ng pamahalaan?

A. Nagsagawa ng pagbabagong tatag upang muling maibangon ang mga nawasak.

B. Pagtangkilik sa malaking kakulangang gagamitin sa pagsasaka.

C. Pagsuporta ng suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote.

D. Naging maunlad ang ekonomiya ng bansa.


20. Dahil sa matinding kahirapang naranasan sanhi ng ikalawang Digmaang

Pandaigdig,napilitan si Pangulong Roxas na tanggapin ang tulong pinansiyal ng Amerika,

ito ay tinatawag na:

A. Philippine Rehabilitation Act B. Bell Trade Act

C. Parity Rights D. Military Base Agreement



ANSWER THISE! https://brainly.ph/question/28910864

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.