25. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagpapasya bilang isang prodyuser sa mga pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply MALIBAN sa:
A. Sa pagtaas ng presyo ng mga salik ay gumagamit ng efficient na pamamaraan, ibig sabihin
sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto.
B. Dahil hindi biro ang pagnenegosyo, kailangan ng masusing pag-aaral, malaki ang
maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.
C. Dapat maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng natural na kalamidad at krisis
sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang produksiyon.
D. Dahil sa pagbabago ng presyo ng mga bilihin, produkto man o serbisyo, marapat lamang na
bilhin lamang kung ano ang kailangan at isantabi ang mga kagustuhan.
-
Aishiteru.
Answers & Comments
Answer:
D. Dahil sa pagbabago ng presyo ng mga bilihin, produkto man o serbisyo, marapat lamang na
bilhin lamang kung ano ang kailangan at isantabi ang mga kagustuhan
Why:
Dahil isa itong halimbawa ng pagpapasya ng isang konsyumer
Halimbawa: Si Anna ay isang konsyumer dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produkto naisipan nya na ang kaniyang mga kakailanganin na lamang ang kaniyang bibilhin at isasantabi muna ang sariling kagustuhan
Explanation:
#Carry on Learning