Questions


August 2022 1 2 Report
2. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.
A. Tama, dahil ito ay maling gawi.
B. Tama, dahil pwedeng patawarin ang madamot.
C. Mali, dahil hindi pwedeng magbago ang madamot..
D. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama.

3. Bago pa man dumating ang mga Kastila ay may sariling sibilisasyon na ang Pilipinas.
A. Tama, dahil pinatunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat.
B. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.
C. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong dala ng mga kastila.
D. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.

4. "Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin," pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga i kababaihan sa kanilang lipunan?
A. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.
B. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.
C. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay.
D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.

5. "Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan," naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag. Anong pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?
A. Siya ay mapagbigay.
B. Mapagmahal na asawa.
C. Mahaba ang kaniyang pasensya. D. Mapagpatawad sa kaniyang asawa.




B. Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng i kuwentong bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutin papel.

6. Ang mag-asawa sa binasang akda ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang lugar ay...
A. magubat at mapuno B. nasa lungsod
C. nasa kapatagang taniman ng palay
D. nasa tabing-dagat

7. "Gusto ko makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat," sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito? A. Madaling makahuli ng usa sa gubat.
B. Sagana ang gubat ng mga hayop na maaaring mahuli.
C. Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga kagubatan.
D. Hindi ipinagbabawal ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat.

8. Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni Lokes a Babay?
A. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.
B. Naghirap siya nang umalis siya sa kaniyang asawa.
C. Hindi na siya nanghuhuli ng hayop sa gubat.
D. Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat.

9. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang kanyang asawa? A. Pinagpalit niya ang kanyang huling ibon sa huli ni Lokes a Babay na isang matabang usa.
B. Sa pagtaksil kay Lokes a Babay. C. Sa pag-iwan kay Lokes a Babay. D. Sa pakikipag-apid sa ibang babae.

10. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin ang kaniyang asawa sa kaniyang magarang tahanan. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay...
A. mapaghiganti
B. mapagkumbaba
C. masungit
D. mabait​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.