2. Masama na ang pakiramdam ni Fatima nang umuwi mula sa trabaho. Gayunman, nagluto siya ng hapunan para sa asawa at maliliit na mga anak na masayang naglalaro sa sala. Naghahanda siya ng mesa ng maramdaman niyang umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon nama'y papasok sa kusina ang panganay niyang anak para sabihing gutom na sila. Nakita niya nang unti-unting bumagsak ang kaniyang nanay. A. Sumigaw ang kaniyang anak na wala na silang tubig. B. Agad siyang inalalayan ng kaniyang anak at pinaupo sa upuan. C. Hindi na nakaimik ang kaniyang anak sa napanood na balita. D. Tumakbo palabas ng bahay ang kaniyang anak at bumili ng pansit. 3. Madalas na umiiyak si Shaina. Halos sumuko na siya sa tuwing naririnig ang di-magandang puna ng hurado tungkol sa kaniyang pag awit. Gayunpaman, tinatagan niya ang kaniyang loob. Ipinangako niya sa sariling pagbubutihan pa sa susunod nilang paghaharap ng limang finalists sa timpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na sandali. Nagsanay siya nang nagsanay. Hanggang sumapit ang gabi ng pagpili ng tatanghalin na The Voice Teens Champion. A. Nagtanghal siya sa plasa. B. Umuwi si Shaina ng bahay at nagluto ng lugaw. C. Kabadong-kabado si Shaina sa paparating niyang kaarawan. D. Mahusay ang ginawang pagtatanghal ni Shaina kaya siya ang nagwagi. 4. Naging napakahirap ng buhay ni Waldo mula nang siya ay maulila sa mga magulang. Wala siya ni-isang kamag-anak na maaaring kumupkop sa kaniya. Kalye ang naging tahanan at nabuhay siya sa pagtitinda ng diyaryo, Isang araw habang siya ay naglalakad, anong gulat niya nang ihagis sa kaniya ang isang bag ng isang nagmamadaling lalaki. Agad siyang nagkubli at nagmasid sa paligid. Maya-maya A. bumalik ang lalaki at sumayaw. B. nanginginig at naiihi na sa takot si Waldo. C. dahan-dahang lumabas si Waldo at tiningnan ang laman ng bag. D. may mga tao sa paligid at nag-uusap tungkol sa pagbukas ng klase.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.