Questions


October 2022 1 7 Report
2. bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
3. anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

Story:"Kislap ng Bituin"
-Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy ang aking isipan sa tunay na takbo ng buhay. tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming tahanan. ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito. bukod sa mga panonood ni mommy ng mga palabas nina howie severino isa ang dokumentaryo ni kara david na "gamu-gamo sa dilim" ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito'y pinatatatag.

-Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa little baguio isang lugar kung saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. bigama't kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.

-Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, at sa paggabay ni mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong pinatatag ang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.

-mula noon hanggang ngayon, pinapangarap ko na maging isang tagapaglingkod ng mga mamamayan. sumulat at maipakita sa lahat ang tunay na kaganapan sa buhay ng tao. pangarap na makatulog sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensiyon.

-hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong "gamu-gamo sa dilim", at ang pagiging guro ni mommy, tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayam at sa mamamayan.

-susulat ako ng mga mahahalagang impormasyong kakailanganin upang mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay. ipasisilip ko ang lente ng camera upang baka sakali makita nila ang mga bagay na dapat nilang makita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama at maipadama sa buong mundo. nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sa kanilang paligid. hangad kong, dumami ang mga katulad ni myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin na magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim.

[I'm sorry for this long story pls answer the guide question above properly]

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.