2. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng mabubuting naidulot ng panahon ng impormasyon?

A. Lumalaganap ang maraming nagpapakalat ng fake news.
B. Nagiging mas mapaniwalain ang mga tao dahil sa social media.
C. Madaling makakausap ng tao ang kaniyang mga mahal sa buhay.
D. Naging mas korplikado ang pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon.

3. Ano ang nagbunsod sa pag-usbong ng panahon ng impormasyon?
A.Kaalaman sa lipunan
B.Kaalaman sa teknolohiya.
C.Makabagong kaalaman.
D.Kaalaman sa pananalapi.

4. Bakit maaaring ituring ang impormasyon bilang isang "tabak na dalawa ang talim" o "doubled-edged sword"?
A. Ito'y maaaring nakapagdudulot ng kabutihan at kapahamakan sa tao.
V. Kung tutuusin, ang impormasyon ay walang mabuting maibigay sa tao.
C. Ang impormasyon ay gaya ng isang tabak na maaring makakasakit ng tao.
D. Dahil sa imporrasyon, mas umunlad ang isipan ng mga tao katulad ng isang matalim na tabak.

5. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nanghihikayat na magsangguni sa mga magulang kung hindi sigurado sa nakikita o nababasa sa social media?
A. Iwasang mag-share ng mga maling impormasyon.
B. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan.
C. Tandaan na ang social media ay isang publikong lugar.
D. Ugaliing magtanong sa mga nakakaalam bago magkomento.

6. Bakit kailangang napatotohanan muna ang meme bago ito i-share sa iba?
A. Upang maiwasan na makasakit ng iba.
B. Dahil ito'y magiging katatawanan lamang.
C. Upang madaling mag-viral ang ginawang meme.
D. Dahil walang nagkakainteres sa mga meme na hindi na-verify.

7. Alin dito ang nagpapakita ng isang maling dahilan ng paggamit ng internet?
A. Matuto at maliwanagan.
B. Manlinlang ng kapuwa.
C. Mapabuti ang pamumuhay.
D. Malinang ang pakikipagkapwa-tao.

8. Alin sa mga alituntunin sa ibaba ang tuwiran mong nilabag kung mamasamain mo at insulluhin ang isang netizen dahil lang sa magkaiba ang inyong pananaw sa isang bagay?
A. Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong balita.
B. Iwasan ang pag-post ng maseselang litrato, video, o paksa.
C. Intindihing mabuti ang nilalaman ng isang artikulo bago ito i-share sa iba.
D. Igalang ang opinyon ng iba kahit na salungat ito sa sarili mong paniniwala.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.