Questions


September 2022 2 3 Report
1.paano nagbago ang ilog Pasig?
2.Bakit nagbago ang llog Pasig?

malinis Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang pantransportasyon na may habang 25 kilometro, ang tubig na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabiha-bighani sa kagandahan ang ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito ay na napalilibutan ng mga berde at malalagong puno at halaman. Sagana ito sa iba't ibang uri ng ng isda at buhay-dagat. Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila sa Look ng Laguna. Ito rin ang nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong ilog at estero sa Manila. Nilason din ang ilog ko. Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animo'y lupa ang inyong nakikita sa larawan. Ngunit tunay na hindi maikubli ang katotohanan. Ito ay pawang mga naipong basura, napakarumi, nakadidiring tingnan at nakasusulasok ang amoy na mula sa ilog. Halos wala ka nang makikitang buhay na isda sa ilog na ito. Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang mag-umpisang tirahan at tayuan ng kung ano- anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng mga basura ng mga nakatira na malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na naninirahan sa ilog na ang iba pa nga, sa kasamaang palad, ay namatay. Sa ngayon, gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang iba't ibang ahensiya na buhayin muli ang Ilog Pasig​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.