Questions


December 2022 1 5 Report
1.Basahin ang kuwento at unawain nang mabuti ang nilalaman nito.
Ang Palaka
Maaaring mabuhay sa tubig o sa lupa ang palaka. Sa ulo makikita ang mga mata nito. Mayroon itong ilong na
hinihingahan. Ginagamit nito ang dila upang makahuli ng mga kulisap. Nasa likod ng mga mata ng palaka ang kanyang
mga tainga. May dalawang pares ng paa ang palaka: ang unahang mga paa at mga paa sa hulihan. Higit na maliit ang
unahang mga paa nito kaysa mga paang nasa hulihan. Mahahaba ang mga paa sa hulihan. Kabit-kabit ang mga daliri
dahil sa lamad (o balat na nagdudugtong sa mga daliri nito). Ginagamit na panlangoy ang mga ito. Katulad ng kanilang
kapaligiran ang kulay ng palaka. Palaging basa at madulas ang kanilang balat.
Sagutin ang mga tanong. Hanapin ang tamang detalyeng hinihiling at bilugan ang tamang sagot.
1. Saan makikita ang mga mata ng palaka?
a. mukha
b. pisngi
C. ulo
d. paa
2. Anong bahagi ng palaka ang kanyang ipinanghuhuli ng kulisap?
a. paa
b. dila
c. bibig
d. ulo
3. Gaano kalaki ang unahang mga paa ng palaka kumpara sa hulihang mga paa nito?
a. higit na mahahaba
b. higit na maliliit
c. higit na matataba
d. higit na mabilog
4. Bakit kabit-kabit ang mga daliri ng mga huling paa nito?
a. dahil sa buto
b. dahil sa lamad
c. dahil sa lumot
d. dahil sa paa
5. Saan ginagamit ang kabit-kabit na mga daliri nito?
a. paglakad
b. paglangoy
c. paglukso
d. paghila​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.