1.anong uri ng panitikan ang akdang "ang munting prinsipe"
a.nobela b.kwento c.dula
2.saan nagmula ang akdang pampanitikan na "ang munting prinsipe"
a.china b.pilipinas. c.pransiya
3.sino ang bumati kay alamid
a.ibon. b.prinsipe c.alamid
4.ano ang narinig ng munting prinsipe
a.tahol b.tinig. c.ragasang ilog
5.saang puno nanggaling ang tinig na narinig ng munting prinsipe
a.mansanas b.ubas c.santol
6.ayon kay alamid,sino ang nakakatakot
a.hayop. b.puno. c.tao
7.ano ang hinahanap ng prinsepe na kanyang sinambit sa alamid
a.kaibigam. b.pagkain c.kaaway
8.pinaka importanteng bagay daw ito ayon kay alamid
a.pera. b.oras. c.negosyo
9.ano ang hinihingi ng alamid sa munting prinsipe
a.oras. b.paamuin sya. c.pera
10.ano angkinatatakotan ng alamid pag nakakakita sya ng taong na ngangaso
a.manok. b.kapwa hayop. c.baril
11.saan sinasabi ng prinsipe ang katagang "wala kayong halaga"
a.rosas. b.gumamela. c.mansanas
Answers & Comments
Answer:
ANSWER
Explanation:
PAGKILALA SA MAY AKDA
Kahit ang kwentong “Ang Munting Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine de Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang akda. Nagsimula ang istorya sa pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa totoong kasawian na nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay patungo sa Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa TIME, “Base sa katangian, habang naghihintay ng magsasagip sa disyerto, sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang gawin and kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y nagpalakad-lakad sa disyerto bago siya masagip ng dumadaang Bedouin.
Bago humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang naging pagsubok sa librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at haka-hakang pagkatagpo sa mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa pagkat ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong Wind, Sand, and Stars ay nagsasabi nang higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa kanilang pagsusuri sa aklat na may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa pangmatagalang pabula ng dalawampung siglo.
URI NG PANITIKAN
Isinulat ng may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa iba’t ibang kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa para ito’y maging kawili-wili. Ito ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Ito ay naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa talino at guni-guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon sa mambabasa.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.
Sabi nga ng alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso, makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagpapahalaga ng pagkakaibigan, hindi pagkakaroon ng makitid na pag-iisip, paglalakabay, adbentura, at pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng responsibilidad.