Questions


December 2022 1 1 Report
1.Anong kahulugan ng ekonomiks ang pinaka-angkop sa mga nararanasan mo sa pang-araw-araw na pamumuhay? A. Ito ay nagiging gabay ko sa matalinong pagpapasya upang masagot ang mga suliraning pangkabuhayan na aking kinakaharap.
B. Ito ay aplikasyon ng agham sa aking mga kaasalan sa pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng aking pamilya at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning Pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano ko matutugunan ang aking mga walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

2. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer C. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan

3. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya, at lipunan?
A. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon sa mga suliraning kinakaharap ng aking pamilya at lipunan
B. Mahalaga ang mga kaalaman sa ekonomiks dahil magagamit ko ang mga ito sa aking pag-aaral. C. Pagpapasya ng mga mga gawaing kaakibat ng hanapbuhay
D. Sa panahon ng pandemnya, ekonomiks ang sagot sa mga suliranin.

4. Kung uunahin mo ang iyong mga pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap MALIBAN sa
A. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. Maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
C. Magiging maayos ang pagbabadyet
D. Maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.