Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang Internet sa kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan, ang Internet lalo na, sa kanilang mga research papers, mga project at mga takdang aralin. Halos lahat na ng kailangan ng isang tao ay masasabi nating nasa Internet na o masasagot na sa Internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa Internet naman lahat ang dapat kailanganin, tatamarin na ang mga kabataan na aralin ang kanilang mga leksyon. Hindi lahat ng mga information na nakapose sa Internet o hindi lahat ng mga nahahanap na source sa Internet ay reliable o mapagkakatiwalaan. May mga websites na akala mo tama iyong binibigay na impormasyon iyon pala kathang isip lamang o kaya ay hindi maikokonsiderang isang katotohanan dahil wala naman itong basehan. At ang iba naman na mga websites ay ginagamit upang makapangloko ng ibang tao upang perahan sila dahil sa sobrang hirap ng buhay ngayon.
Answers & Comments
Answer:
1. Nakaktulong ang internet sa aming mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng mas madaling sagot sa mga tanong na di namen medjo naintindihan.
2.?