1.Ano ang pagpapahalaga? Bakit kailangang taglayin ito ng tao? 2.Ano ang birtud? 3.Ano-ano ang mga uri ng Birtud? Paano ito nalilinang sa tao? 4.Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
Ang pagpapahalaga ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Kailangan itong taglayin ng tao sapagkat ito ang nagbibigay kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
Ang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag, at pagiging malakas.
Ang mga uri ng birtud ay intelektuwal at moral. Ang intelektuwal na birtud ay nalilinang sa tao sa pamamagitan ng paghahanap ng kaalaman upang makaalam, tungo sa paggawa nang may kasanayan na magagawang perpekto lamang sa tulong ng pang - unawa, agham, at karunungan. Ang moral na birtud ay nalilinang sa tao sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng katarungan, pagtitimpi, katatagan, at maingat na paghuhusga sa ating sarili.
Ang pagpapahalaga at birtud ay nagkakaugnay sa ganitong paraan: ang pagpapahalaga ang tumatayong batayan, layunin, at dahilan ng pangangailangang kumilos sa gitna ng mga pagpipilian samantalang ang birtud ang siyang kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan.
Answers & Comments
Verified answer
Pagpapahalaga at Birtud:
Ano ang birtud: brainly.ph/question/1046708
Ano ang pagpapahalaga: brainly.ph/question/2531231
#Let'sStudy