Questions


December 2021 2 1 Report
1.a. Pamagat ng Proyekto – “Karungang Bayan” b. Gawain – Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at gawain sa bond paper. A. Ano ang kahulugan ng karunungang bayan? (2 puntos) B. (18 puntos) Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang nasa ibaba at sumulat ng tig-dalawang halimbawa ng mga ito.  salawikain  sawikain  kasabihan  talinhaga  eupemistikong pahayag  bugtong 2. a. Pamagat ng Proyekto – “Alamat” b. Gawain- 1. Mag-basa ng isang halimbawa ng alamat o maari mong gamitin ang alamat na nasa iyong modyul. 2. Hanapin ang mga tauhan, tungalian, tagpuan, uri ng tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at katapusan ng inyong binasang alamat. 3. Gumuhit ng isang puno sa bond paper at isabit dito ang pamagat at ang mga elemento ng alamat. Isulat din sa loob ng kahon ang iyong mga sagot. Nasa inyong Module 4 ang halimbawa ng Gawain na ito. Ipamalas ang iyong pagkamalikhain. 3. a. Pamagat ng Proyekto – “Sanhi at Bunga” b. Gawain – 1. Pumili ng isang paksa sa tatlong nasa ibaba. *Epekto ng Covid 19 sa Bansa *Doh, Alisto sa Pandemya *Frontliners, Bagong bayani 2. Sumulat ng isang sanaysay na patungkol sa iyong napiling paksa. 3. Dapat ay mayroon itong mga hudyat na nagpapakita ng sanhi at bunga. Halimbawa ng mga ito ay ang sapagkat, dahil, kaya naman, bunga nito at iba pa. 4. Bilugan ang mga hudyat na nagpapakita ng sanhi at salungguhitan ang mga hudyat na nagpapakita ng bunga. 4. a. Pamagat ng Proyekto – “Pagpapalawak ng Paksa” b. Gawain – 1. Rebyuhin ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa. Inyo itong magagamit sa iyong gagawing proyekto. 2. Gumuhit ng web map o kahit anung graphic organizer na maari mong gamitin upang maipakita ang mga natutunan mong teknik sa pagpapalawak ng paksa. 3. Pumili ng isang paksa.  Covid 19  Eleksyon  Pilipinas 4. Ipamalas ang iyong pagkamalikhain.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.