19.Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera.Wala ka namang
kakayahan na makatulong sa kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang
pinakamainam mong magagawa?
A.Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B.Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyonan ang problema
C.Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D.Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang
20.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo.ubos na ang mga pananim at
nakakaranas na ng tag gutom ang mga naninirahan ditto.Ano ang maitutulong mo sa
kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang dumating na
paghihirap na ito
21.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa
Maria.nagkataong hindi ka katoliko.Ano ang nararapat mog gawin?
A.Hindi ka sasali ngunit igagalang moa ng pananampalataya nila
B.Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
22.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig
pagkagaling niya sa pagsimba.Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa
sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa iyong pinapanood na pelikula.Ano ang gagawin
mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B.Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang
magkaroon pareho sila ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang
boses
23.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay
nakita mong naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga
sumusunod ang nararapat mong gawin.
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
Answers & Comments
Answer:
19. B.
20. D.
21. A.
22. B.
23. A.