Questions


October 2022 1 1 Report
15 par 1. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid. A. Kapuwa C. Kapitbahay B. Kaibigan D. Pamayanan 2. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang kasunduan o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin? A. Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan ng taong iyong pinangakuan. B. Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan. C. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ka nakatupad sa pangako o kasunduan. D. Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa iyo o hindi. 3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging responsable sa kapwa MALIBAN sa: A. Pangangako kahit mahirap itong gawin. B. Pagtupad sa mga pangako o kasunduan. C. Pagiging matapat sa anumang sitwasyon. D. Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapwa. 4. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinauli ng kaibigan ni Coralie ang kanyang aklat. Ipinangako ito na ibabalik rin kinabukasan mula ng hiniram ito. Kung ikaw si Coralie, ano ang gagawin mo? A. Isusumbong ito sa kanyang magulang upang siya ay mapagalitan. B. lisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi sinasadya. C. Tuturuan ko siya na maging responsable at matutong magsauli ng hiniram na gamit sa tamang oras. D. Hindi ko na papansinin ang kaibigan upang maramdaman niyang masama ang loob ko sa hindi niya pagsauli ng aking aklat. 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable? A. Si Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kanyang hiniram sa takdang oras. B. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kanyang mga magulang. C. Si Louie na nililibre ang kanyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kanyang mga magulang. D. Si Mico na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa. ll. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) kung ito ay nagpapakita ng pagtupad sa pangako o kasunduan; ekis ( ) naman kung hindi. 1. Nagdriwang ng ika- 12 kaarawan si Martha. Hindi nakadalo ang kanyang kaibigang si Alicia dahil nakalimutan niya ito. 2. Bagama't hirap sa buhay, pinilit pa rin ni Mang Berto na bumili ng masarap na pagkain bilang pasalubong kay Anthony gaya ng pangako niya sa anak. 3. Hindi na nakikipag-away si Solomon ayon sa napag-usapang kasunduan nilang magkaibigan. 4. Nasabi sa sarili ni Imelda na makikiisa siya sa mga gawain sa bahay bilang usapan nilang magkapatid. 5. Humiram ng laruan si Andres sa kapitbahay na si Chester. Hindi niya ito isinauli


pa help po pls​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.