Questions


December 2022 1 3 Report
12. Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaya naman nang maging ganap na malaya ang Pilipinas noong July 4, 1946 ay naharap ito sa matinding suliranin. Alin ang pinakamalubhang suliraning kinaharap ng bansa?

A. Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan
B. Suliraning Pangkapayapaan at Pampolitika
C. Suliraning sa Pananalapi
D. Suliranin sa mga isyu ng mga HUKBALAHAP


13. Hulyo 4, 1946 nang makamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan. Ano-ano ang mga pangunahing suliraning kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972?

A. Maraming nawalan ng tirahan, hanap-buhay, at ari-arian na nagdulot ng kahirapan.
B. Patuloy na suliranin dulot ng mga hidwaang pampulitikal.
C. Patuloy na paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan.
D. Paglobo ng populasyon.



14. Si Manuel Roxas ay may dalawang titulo sa kasaysayan ng ating Pamahalaan ang pagiging huling pangulo ng Komonwelt at pagiging unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang pangulo, bakit niya ipinatupad ang mga programang NARIC, NACOCO, NAFCO at NTC?

A. Upang mapalaki ang produksiyong magbibigay pansin sa pagpapaunlad ng industriya at pagsasaka.
B. Upang mabigyan ng trabaho ang mga walang trabahong Pilipino
C. Upang mapabuti ang produksiyon sa mga pook rural
D. Upang mapataas ang produksiyon ng mga palay, abaka at niyog.


15. “Kaligayahan at katatagan ng karaniwang tao” ang palatuntunan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Paano niya ito isinakatuparan?

A. Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law para sa mga magsasaka.
B. Pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad.
C. Paglunsad ng pananaliksik ukol samakabagong Sistema ng pagsasaka at bagong uri ng binhi.
D. Pinaunlad ang mga baryo at nagpatupad ng mga programa sa paniniwalang ang makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti rin sa buong bansa


16. Isa sa suliraning kinaharap ni Pangulong Carlos P. Garcia ay ang pag-usbong ng Colonial Mentality sa bansa kaya naman ipinatupad niya ang Programang Pilipino Muna o Filipino First Policy. Paano niya isinulong ang nasabing programa?

A. Pagbibigay priyoridad sa mga produktong Pilipino.
B. Pagtangkilik ng mga produktong Pilipino upang paunlarin ang mga industriya at kayamanan ng bansa.
C. Isinusuot niya ang Barong Tagalog saan man magpunta at binigyang priyoridad ang produktong Pilipino.
D. Pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasabay ng bandila ng Estados Unidos sa lahat ng Base Militar sa bansa mula noong Mayo 1, 1957.


17. Ikinabahala ng sambayanang Pilipino ang pagpapahayag ni Pang. Marcos ng Proklamasyon Blg. 1081 na nagpapailalim sa bansa sa Batas Militar noon Setyembre 21, 1972. Paano ito tinugunan ng mga Pilipino upang mawakasan ang Batas Militar?

A. Pagbatikos ng mga mamamahayag na nagsasabing patay na ang demokrasya sa Pilipinas.
B. Pagsalungat ng karamihan sa mga Pilipino sa mga patakaran ni Pang. Marcos.
C. Marami sa mga Pilipino ang nag-alsa laban sa rehimeng Marcos.
D. Nakisakay nalang sa agos ng pamamahalang Marcos.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.