Questions


November 2021 1 17 Report
III. Basahin ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Tao, Tagapag-alaga ka ba ng Kalikasan?
Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang makatulong sa ating pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng pagkain, ang mga ilog at dagat na bukal ng mga isda at yamang-tubig na pinakikinabangan natin ang mga ibon at hayop na nagbibigay rin ng pagkain sa atin.
Sa gitna ng mga biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti naman nating nalilimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang bahala natin ang pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong puno at halaman kapalit ng mga kinuha natin. Sinunog din natin ang mga kabundukan para taniman ng kamote, sayote at iba pa na ang kapalit ay pagguho ng lupa at baha sa mababang lugar. Gumamit tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita, at pinong lambat sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito ng pagkamatay ng maliliitna isda. Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinutulungan nating dumami ang lahi.

Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga. Ngayon ay nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng mga puno. Natutuyo na rin ang mga sapa at ilog. Malimit ang pagbaha. Kulang na tayo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Mahina na rin ang aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa patubig. Dahil dito,umaangkat tayo ng bigas. Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman ang atingkalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon na maaaring wala nang makitang mga puno at ibon sa paligid. https://brainly.ph/question/11719424

11. Ano-anong pagmamalabis at pang-aabuso sa kalikasan ang nabanggit sa seleksiyon?
12. Paano natin maililigtas sa pagkasira ang kalikasan?
13. Bakit mahalagang pangalagaan natin ang kalikasan?
14. Bakit sinasabing ang tao ang dapat na tagapag-alaga ng kalikasan?
15. May nalalaman ka bang mga proyekto sa pamayanan ninyo tungkol sa pangangalaga sa ilog, bundok, o dagat? Ilahad ang sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.